Ni Vic Tahud
INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang “compassionate use” ng gamot na ivermectin para panlaban sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni FDA Director General Dr. Eric Domingo sa Laging Handa public briefing.
Paglilinaw ni Domingo, ang special permit na ito ay iba sa hiling ng dalawang local manufacturer na nagparehistro sa kanilang produktong ivermectin.
Bukod pa rito, ani Domingo, ang compassionate use ay upang magamit ito sa bansa kontra COVID-19 ngunit hindi ibig sabihin na ineendorso ito ng FDA.
Sa kabila nito, inihayag ng FDA na kailangan pa rin iparehistro ang ivermectin bago i-prescribe ng mga doktor.