Ni Arjay Adan
HINDI bababa sa 14 senador ang nilagdaan ang draft resolution na naglalayong i-censure si Anti-Insurgency Task Force Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade dahil sa insidente ng pangre-red-tag nito at mga hindi magandang komento nito laban sa mga senador.
Ang nasabing resolusyon na inaasahang maipasa sa April 27 ay nilagdaan ni Senate President Vicente Sotto III, Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senators Nancy Binay, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Aquilino “Koko” Pimentel III, and Pia Cayetano.
Nauna nang nagpatawag ang mga senador ng pag-review sa naging performance ng NTF-ELCAC at kung paano nito ginamit ang 19 bilyong pisong pondo nito.
Hindi rin bababa sa tatlong senador sa isyu ng red-tagging ni Parlade sa mga organizer ng community pantry na nagbigay ng mga libreng pagkain para sa mga apektado ng lockdown.