Ni Claire Hecita
NATAPOS na ni Giselle Toengi o mas kilala natin sa tawag na G. Toengi na isang Filipino-American actress ang kanyang Graduate studies o Master’s degree sa Antioch University sa California.
Sinimulan ni Giselle ang kanyang non-profit management course noong 2019 ngunit dahil sa pandemya, ginawa itong online noong March 2020.
Ayon kay Giselle, ang non-profit management ay parang MBA o Masters in Business na dinagdagan lang ng Non-Government Organization Social Good Structure.
Dagdag pa ng aktres, malaking tulong ang kanyang pinag-aralan dahil na-apply niya ito sa kanyang papel sa Fil-Am Arts bilang programming director ng arts and culture nonprofit na presenters ng taunang festival of Philippine Arts and Culture sa California.
Matatandaang, umalis ng Pilipinas si Giselle noong early 2000 para manirahan sa New York City kung saan ito nag-aral at nakakuha ng Bachelor’s Degree in Communications Studies sa University of California. Doon na rin nag-asawa si Giselle at nagkaroon ng dalawang anak.