Ni Vic Tahud
41,205 na bagong gumaling sa COVID-19 ang naitala kung kaya’t umabot na sa 646,100 ang kabuoang bilang ng recoveries base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).
Mayroon namang 11, 028 na bagong kaso kaya’t nasa 135,526 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Sa ngayon, umabot na sa 795,051 ang kabuoang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala nasa 13,425 na kabuoang bilang ng mga namatay sa COVID-19, matapos masawi kahapon ang dalawang pasyente.