Ni Kriztell Austria
MILYON milyong mga deboto pa rin ang dumalo sa isang religious festival sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India.
Ang naturang pagtitipon ay para sa kanilang pakikiisa sa Kumbh Mela 2021 o ang “Bathing Day” sa Ganges River.
Naniniwala ang mga Hindu na ang paglubog sa naturang ilog ay banal at ito ang makapaglilinis ng kanilang mga kasalanan.
Kaugnay nito, nanawagan ang mga eksperto na ipagpaliban muna ang Kumbh Mela Festival.
Ayon sa mga opisyal, hirap ang mga ito na ipatupad ang minimum health protocos dahil sa dami ng bilang na nasa pagtitipon.
Samantala, pumapalo sa mahigit 100,000 kada araw ang bagong naitatalang kaso sa India.