Ni Melrose Manuel
MAGTIPID sa pagkonsumo ng kuryente.
Ito ang apela ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa publiko upang maiwasan ang posibleng power interruption ngayong panahon ng tag-init.
Magiging limitado kasi ang supply ng kuryente bunsod ng extended outage sa ilang power plant na tatagal hanggang agosto.
Hinimok din ng NGCP ang pamahalaan na silipin ang sitwasyon sa kuryente dahil limitado lamang ang kakayahan ng kumpanya lalo na pagdating sa power generation.
Sinabi pa ng NGCP na inaasahan ang pagtaas sa demand ng kuryente sa luzon sa darating na Mayo.
.