Ni Melrose Manuel
KAMPANTE si Manila Mayor Isko Moreno na mas dadami ang magpapabakuna kontra COVID-19 matapos itong turukan ng bakuna ng Sinovac.
Malaking bagay aniya itong proteksyon para sa kanya bilang alkalde upang mapag-igihan pa niya ang kanyang tungkulin.
Tinupad din nito ang kanyang pangako na Sinovac ang kanyang gagamiting bakuna upang maipakita sa publiko na ligtas itong gamitin.
Muli naman nitong iginiit na ang pinaka-epektibo at ligtas na bakuna ay ang bakuna na nasa ating bansa ngayon.