Ni Claire Hecita
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong paggawa ng sariling bakuna kontra COVID-19 ng bansa.
Ito’y matapos ipaalam sa pangulo ni DTI Sec. Ramon Lopez na mayroong apat na pharmaceutical companies na nagnanais na mag-produce ng bakuna.
Itinuturing naman ni Pangulong Duterte ang naturang plano bilang answered prayer para mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.
Kaugnay nito, inatasan ng pangulo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na bilisan ang pagproseso sa mga requirement ng naturang mga pharmaceutical firm.
Sa kasalukuyan, nasa 2.5 milyong COVID-19 vaccines mula sa Sinovac at 525,600 na bakuna mula sa AstraZeneca ang natanggap ng Pilipinas.