Ni Vhal Divinagracia
PINAG-UUSAPAN ng konseho ang pagpapalawig ng deadline sa pamamahagi ng ayuda.
Ito ang ibinahagi ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez.
Inihalimbawa ni Olivarez ang Parañaque kung saan nasa 30% pa lang ang ayudang naipamahagi.
Matatandaang sa loob lang ng labing-limang araw ang ibinigay na time frame para ipamigay ang lahat ng ayuda kung ito ay cash.
Hanggang isang buwan naman kung ang ayuda ay in-kind.
Subalit, sa isinasagawang distribusyon ay makikita ang mahabang pila ng mga residente na posibleng maging sanhi na rin ng panibagong surge ng COVID-19.
Samantala, ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora, mula sa 98 million pesos na ayuda para sa kanilang mga residente, 79 million pesos na ang naipamahagi.
Meron lang aniyang halos 10% ang hindi nakasipot na beneficiaries sa naturang pamimigay.