Ni Vic Tahud
IPINALIWANAG ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na kailangan muna ng sertipikasyon sa mga doktor bago mabakunahan kontra COVID-19 ang isang tao na may comorbidity.
“Hindi puede kasi na walk-in lang. Kailangan na-discuss or napag-usapan po ng pasyente at doktor niya na ano ba ‘yung magiging benefit or makukuha nilang benepisyo na makukuha nila mula sa bakuna at kung ano ang benefits,” ayon kay Dr. Minette Claire O. Rosario ng NITAG sa panayam ng Laging Handa public briefing.
Ani Dr. Rosario na maging ang mga taong may sakit na nasa labas ng NCR Plus bubble ay puede nang mabakunahan kung sapat ang suplay ng bakuna.
Sinabi ni Dr. Rosario na maaring ‘di magiging kasing epektibo ang bakuna na ituturok sa mga may sakit at sa mga taong walang sakit.
Dahil aniya ito sa medication na kanilang tinanggap dahil sa kanilang kasalukuyang sakit.