Ni Vic Tahud
APRUBADO na ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizen sa kabila ng kakulangan ng suplay ng AstraZenica vaccine.
Kaugnay nito, sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo na kailangan pa rin ng evaluation sa mga ito bago bakunahan.
Magugunitang, inirekomenda na rin ng vaccine development expert panel ang paggamit ng Sinovac.
Hinikayat naman ng ahensya ang publiko lalo na ang mga senior citizen at persons with comorbidities na magpabakuna na kontra COVID-19.