Ni Karen David
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapalawig ng travel ban sa mga foreign national hanggang Abril 30.
Ang travel ban na nagsimula noong Marso 22 ay nakatakda sanang magtapos sa Abril 21.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhan na may valid entry exemption documents na inisyu ng Department of Foreign Affairs bago ang Marso 22, 2021.