Ni Kriztell Austria
INIHINTO ng University of Oxford ang COVID-19 vaccine trial testing sa mga bata matapos makapagtala ng rare blood clotting issues ang mga may edad na naturukan ng bakunang AstraZeneca.
Kaugnay nito, inaasahan namang lalabas na ang report hinggil sa pag-aaral sa koneksyon ng pagkakaroon ng “extremely rare brain blood clot” o cerebral venous sinus thrombosis (CVST) pagkatapos ng pagturok ng AstraZeneca vaccine.
Sa kabila nito, nakaplano na ang vaccine trial ng 300 volunteers na mga bata 6 hanggang 17 taong gulang sa Pebrero sa susunod na taon.