Ni Arjay Adan
INIHAYAG ni Department of Science and Technology o DOST Secretary Fortunato de La Peña, hinihintay ng ahensya ang pahintulot ng Food and Drug Administration o FDA at ng Philippine Health Research Ethics Board kaugnay sa pag-aaral sa paghalo ng COVID-19 vaccines.
Ani De la peña, posibleng simulant ang pag-aaral sa Hunyo.
Ang pag-aaral ay isasagawa ng Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology at magtatagal ng 18 buwan na maaaring lahukan ng 1,200 participants.
Sinabi ni De la Peña na sa oras na maaprubahan na ang paghalo ng dalawang magkaibang brand ng COVID-19 vaccine, maaari itong makatulong para madagdagan ang ikalawang dose ng bakuna sa kalagitnaan ng limitadong suplay nito.