Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ng OCTA Research Group na bumubuti na ang kondisyon ng National Capital Region (NCR) at ito ay matatawag ng moderate risk area para sa COVID-19.
Nasa 1,100 na lamang ang daily average ng kaso ng COVID-18 sa NCR at ang positivity rate ay 10%, samantala, ang reproduction rate naman ay 0.57 ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group.
Kabilang naman sa top 10 ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila ay ang Davao City, Puerto Princesa City, Bacolod City, Iloilo City at Cagayan De Oro City at lima rito ay nasa loob ng NCR.
Ayon sa OCTA Research na bakunahan ang 50% populasyon ng NCR, Tuguegarao, Santiago, Baguio Cainta, Cebu at Imus, dahil ito ang mga lugar na vulnerable sa posibleng pagtaas muli ng kaso.
Ayon pa OCTA sa grupo na maaabot ang level of containment kapag nabakunahan na ang kalahating porsyento ng populasyon.