Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
PAANO kung ginawa tayo ng Diyos upang maging mabuti lamang? At hindi Niya tayo binigyan ng kalayaan sa pagpili, ang ating pagpili ay maging mabuti lamang. Hindi tayo makapagpili. Ang Diyos lamang ang makapagpili. Ibig sabihin, tayo ay nandirito dahil sa Kanya.
Anong klaseng mundo yan? Yan ang mundo kung saan ang mga tao ay mabuti ngunit ito ay magiging boring na uri na mundo dahil wala silang pagpipilian. Maski ang Panginoon ay hindi gusto ang ganyan. Pero kung ang mundong ito ay ginawa na tayo ay binigyan ng imahe ng Diyos at tayo ay binigyan ng pagpili kung ano ang mabuti at masama, at ikaw ay gumawa ng pagpili. Ang pagpiling yan ay nakadepende sa iyong nararamdaman sa oras na gusto mo at kasama diyan ang pag-ibig.
ANG DIYOS AY PAG-IBIG
Kung iniibig mo ang masama, pipiliin mo ang kasamaan, ngunit ito ay kagustuhan mo. Kaya ginagamit mo ang iyong pag-ibig sa kasamaan, mayroong pag-ibig sa iyo na nananatili. Ngunit kung pinili mo ang kabutihan at ibig mong gumawa ng mabuti. Hindi lamang dahil pinahintulutan kang pumili ng Diyos, ngunit pinili mo ito dahil iniibig mo. Kung kaya may pag-ibig sa pareho.
Kung kaya sinabi ng Salita ng Diyos, “Ang Diyos ay Pag-ibig.” Nilagay Niya tayo sa mundong ito na makagawa ng pagpili upang Siya ay makapanahan sa atin at Siya ay makapag-ugnayan sa ating loob. Dahil ganyan ang Panginoon, ang ating Dakilang Ama.
Sa loob natin, ibinigay Niya sa atin ang pagpili upang tayo ay maipanganak sa kanyang imahe. At kung tayo ay pipili ng kabutihan, yun ay sariling pagpili natin na gawin yan. Kaya, mga kapatid, nang pinili kong sumunod sa Kanya sa dalawang bundok, anim na taon mga kapatid. Ako ay masaya at nagagalak hanggang ngayon at kahit sa mga oras na ito.
Tatlumpung anim na taon ako sa ministry na ito, ngunit parang nagsisimula pa lang kahapon. Yan ang ating nararamdaman, ang bilis ng panahon. Bakit mayroon tayo ng ganyang pakiramdam na para bang ang isang taon ay parang isang linggo lamang sa atin? o buwan lamang para sa atin.
THE LAW OF RELATIVITY
Mabilis ang takbo ng panahon sa loob ng Kaharian. Bakit? Dahil yan ang nadiskubre ni Einstein, e=m^2. The law of relativity.
Kapag ang iyong buhay ay maganda, masaya, puno ng pag-ibig, ito ay dahil yan ang pinili mong gawin, kung kaya ang isang libong taon ay parang isang araw lang sa atin. Gayundin ang isang libong taon natin ay isang araw lamang sa Diyos. Ganyan ang panahon sa eternidad. Ganyan tumatakbo ang eternidad.
Kaya ang tatlumpung anim na taon ay parang kahapon lang. Sa aking pakikipag-usap sa aking mga assistants kagaya nina Sis. Ingrid at Sis. Teng at ng mga BOA members na kasama ko mula pa nang nagsimula ako. Kahit noong nasa Villamor Street, Agdao. At lahat ng kasama ko sa first watch sa Tamayong. Hindi sila makapaniwala na noon, nag-felowship kami sa Villamor Street, bumabaha at tumataas ang tubig at kami ay nasa sala na nakataas ang aming mga paa dahil ang baha ay hanggang tuhod na. Yun ay parang kahapon lamang para sa amin. Ang bilis ng panahon sa loob ng tatlumpung anim na taon. Dahil pinili namin ang buhay na ito mula sa aming pag-ibig.
Yan ang dahilan kung bakit mabilis ang panahon. Tatlumpung anim na taon ay parang kahapon lang. Hindi tayo tumanda, hindi tayo tumatanda, ngunit kung ang iyong buhay ay nakakayamot, wala kang kaligayahan sa iyong loob, ang buhay ay nakakabagot.
Para sa mga taong nasa bilangguan, hindi nila gusto yan, dahil nakagawa sila ng kasalanan, ang kalayaan para sa kanila ay makalabas sila ng kulungan. Para sa kanila ang mabilanggo ay kagaya na ikaw ay nasa kulungan, hindi pinahihintulutan sa gusto nilang gawin.
Sa mga nasa bilangguan, sa mga taong ang buhay ay mahirap, sa mga taong ang buhay ay hindi masaya, walang pag-ibig at walang saya sa kanilang buhay, ang isang araw ay gaya ng isang daang taon para sa kanila. Para sa kanila, ang isang araw ay parang isang daang taon na silang namumuhay dito sa mundo.
Kaya ang tanging hangad nila ay mamatay na lamang. “Haay, sana mamatay na lang ako.” Para sa kanila ay walang kabuluhan ang buhay, kaya ang bawat araw ay isang pagdurusa. Habang para naman sa atin, na mahal ang buhay natin dahil pinili natin ito, at ang ating pagpili ay tamang pagpili na maglingkod sa Dakilang Ama, ang buhay ay puno ng ligaya.
ANG BUHAY SA ETERNIDAD
Kapag tayo ay pupunta ng langit at kapag tayo ay nakapamuhay na ng milyong taon na doon, tayo ay magsasabi ng ganito: “Wow ganito pala ang eternidad”? Tayo ay nakapamuhay na ng sampung libong milyong taon, ngunit para bang ito ay kahapon lamang.” Ang lahat ng bagay ay nagbabago bawat araw. Katulad sa Kaharian, ang lahat ng bagay ay nakakapanabik. Bawat taon, bawat buwan, bawat araw, lahat ay nakakapanabik.
Ngunit para sa mga taong kasama natin noon pero hindi pinili ang buhay na gusto nilang isabuhay at walang nagbago at nabuo sa kanilang buhay, ang buhay na bago mula sa loob.
BUHAY NA WALANG NAGBAGO SA LOOB
Sinubukan mo lamang ang buhay, at hinanap mo ang kaligayahan at saya sa sanlibutang ito. Hinanap mo ito sa sex, sa droga, sa pornography, sa kayamanan ng mundong ito, hinanap mo ito sa ibang tao, at ikaw ay umuwi lamang na laging bigo. Umuwi kang bigo. Umuwi kang mas bigo pa kaysa sa dati. Ang buhay ay boring.
Kung kaya ikaw ay namuhay ng dalawampung taon, ikaw ay dalawampung taon at ikaw ay namatay, sa iyong pag-iisip at sa iyong pagkatao, ikaw ay isang daan at dalawampung taon na. Ang buhay ay boring. Ito ay walang kabuluhan.
Kung kaya ito ay walang kabuluhan. Dahil walang pag-ibig, walang pagbabagong nangyari sa loob. Kaya dapat nating tingnan ang ating loob kung saan nananahan ang Diyos. Hindi natin sinasabi dito na wala tayong katawan, na wala na tayong nararamdaman.
Mayroon pa rin tayong limang pandamdam, nakakakita pa rin tayo, nakaka-amoy, nakakahipo, nakakaramdam ng sakit, nakakaramdam ng tuwa ngunit ang ating saya at sakit, ang ating saya at lungkot ay hindi nakadepende sa mga bagay o pwersa mula sa labas natin. Ito ay mula sa loob natin. Binago natin ito.
(Itutuloy)