Ni Bryan Capunong
MATAPOS ang labing limang buwan na pagpapahinga matapos ang panganganak ay balik trabaho na ang aktres na si Janella Salvador.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan sa loob ng compound sa kanyang pinagtatrabahuang showbiz company.
Gumamit din si Janella ng hashtag #happyday upang mailarawan kung gaano ito kasaya sa kanyang pagbabalik trabaho.
Si Janella at kanyang asawang si Markus Paterson ay lumipad patungong United Kingdom noong September 2020 bago ito nanganak.