Ni Vhal Divinagracia
NILINAW ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire na kailangang magsuot ng face shield sa indoor areas.
Maaari lamang aniya itong tanggalin kung ang isang tao ay mag-isa, nagbibisikleta o nagtatrabaho sa construction sites.
Binigyang-diin ng DOH na nagbibigay ng karagdagang layer ng protection laban sa COVID-19 ang face shield kung kaya’t hindi nito ipinapayo na lubusan nang tanggalin.
Ang mga bansa tulad ng Malta at iba pang lugar sa Estados Unidos at United Kingdom ay patuloy pa rin ayon sa ahensya na gumagamit ng face shield.