Ni Vic Tahud
AABOT sa 8,050,711 vaccine jabs ang naiturok na sa buong bansa ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Base ito sa datos ng National Vaccination Operations Center.
Nasa 5,953, 810 na katao ang nabakunahan ng unang dose, samantala 2,096,901 ang nabakunahan naman ng second dose.
Naitala naman ang pinakamaraming bilang ng na-administer na bakuna noong Hunyo 15 na umabot sa 322,929 sa loob ng isang araw.
Sa ngayon, mayroong 3,991 vaccination sites ang buong bansa.