Ni Vhal Divinagracia
PASOK ang syudad ng Manila at Butuan sa Top 50 Innovative Cities laban sa COVID-19 pandemic mula sa sa Bloomberg Philanthropies 2021 Global Mayors Challenge.
Ang dalawang syudad lang din ang nakapasok mula sa Southeast Asia.
Ayon kay Bloomberg LP at Bloomberg Philanthropies Founder Michael Bloomberg, isinagawa nila ang survey sa mga syudad na may mahigit 100,000 residente.
Ang mga mayor dito ay pinasumite ng kanilang mga ideya para malabanan ang COVID-19 pandemic.
Nagpasalamat naman si Manila Mayor Isko Moreno at Butuan Mayor Ronnie Vicente Lagnada dahil napasama sila sa naturang listahan.
Ang labing-limang syudad na ituturing final winners ay makatatanggap ng 1 million dollars bilang assistance sa kanilang magandang plano.