Ni Karen David
KINUMPIRMA ni Manila Mayor “Isko” Moreno na tatakbo siya sa 2022 national and local elections.
Gayunman, sinabi ng alkalde na wala pa siyang desisyon kung anong posisyon ang kanyang planong takbuhin.
Ayon kay Moreno, bagama’t ikinagagalak niya na mabanggit bilang isa sa opsyon para sa susunod na eleksyon ay magdedesisyon siya nang mag-isa.
Sinabi rin ng alkalde na mas pipiliin niya na magpokus sa pandemya sa halip na makisali sa mga “ political shenanigans” gaya ng iba na nais ituloy ang kanilang personal na ambisyon.
Sa ngayon, sinabi ni Moreno na abala siya sa pagka-alkalde at may obligasyon pa siya sa kanyang mga nasasakupan.