Ni Karen David
IPINAHAYAG ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaasahang makakatanggap ng mas maraming bakuna kontra COVID-19 ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na iprayoridad sa distribusyon ng mga bakuna ang mga may mataas na COVID-19 cases.
Sinabi ni Secretary Nograles na magre-recalibrate na ngayon ang Vaccine Deployment Task Group.
Dagdag panito na ipamamahagi ang COVID-19 vaccines sa MECQ areas sa lalong madaling panahon.
Kagabi, inanunsyo ng Pangulo na isasailalim sa MECQ mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30 ang Santiago City, Cagayan, Apayao, Ifugao, Lucena City, Bataan, Puerto Princesa, Naga City, Iloilo City, Iloilo, Negros Oriental, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboaga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Cagayan de Oro, Davao City at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands.