Ni Kriztell Austria
AYON sa mga mananaliksik mula sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), US Space Agency, at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), nakakaalarma ang init na natatrap sa mundo.
Base sa pag-aaral, dumoble ang ‘energy imbalance’ ng mundo mula 2005 hanggang 2019.
Ang energy imbalance ay tumutukoy sa natatanggap na ‘radiative energy’ ng mundo mula sa araw.
Ayon sa mga mananaliksik, ang energy imbalance ay dahil sa pagtaas ng atmospheric pollution o greenhouse gases gaya ng carbon dioxide (CO2), methane (CH4) at ozone (O3).