Ni Karen David
AABOT na sa 1.8 bilyong pisong halaga ng financial aid para sa mahigit 300,000 tourism workers ang na-release hanggang Mayo 26.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Manila Overseas Press Club (MOPC) forum, na ang bayad para sa 367,328 workers na nagkakahalaga ng P1.8 billion ay na-remit at na-released na sa iba’t ibang payment centers.
Nasa 203,334 approved applicants naman aniya ang naghihintay para sa disbursement ng cash aid na nagkakahalaga ng P1.1 billion.
Inaprubahan ng Department of Tourism at Department of Labor and Employment ang financial assistance application ng 575,919 tourism workers, ayon pa kay Sec. Puyat.
Nagkakahalaga aniya ito ng 2.8 bilyong pisong halaga ng cash aid mula sa 3 bilyong piso na inilaan para sa tourism workers sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Law o Bayanihan 2 Act.
Sinabi ng DOT chief na hindi sapat ang P3 billion allocation para masakop ang lahat ng mga manggagawa sa tourism industry.