Ni Kriztell Austria
SUSPENDIDO ang ultramarathons sa bansang China matapos ang pagkasawi ng 21 runners sa Gansu Province.
Ito ay dahil sa masamang panahon sa Gansu Province, dahil dito ay malakas na hangin at maulan na panahon ang sinuong ng mga manlalaro.
Samantala, bukod sa 21 na mga nasawi, nasa 172 pa ang nawawala.
Ayon sa general administration of sport ng China, kasama rin ang trail running, desert trekking, wingsuit flying at ultra-long distance races sa mga suspendido.