Ni Karen David
INANUNSYO ng White House na ang 7 million doses ay bahagi ng initial batch ng 25 million doses na idodonate ng US sa iba’t ibang bansa.
Bukod sa Pilipinas, ang makakatanggap ng donasyong bakuna sa Asya ay ang India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Vietnam, Indonesia, Thailand, Laos, Papua New Guinea, Taiwan, at Pacific Islands.
Sinabi ng White House na ang donasyon ay ibabahagi sa pamamagitan ng World Health Organization-led COVAX Facility.