Ni Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ni US State Secretary Antony Blinken kaugnay sa 5th anniversary ng arbitral victory ng Pilipinas sa South China Sea na dapat na sundin ng China ang kanilang obligasyon sa ilalim ng international law.
Nilinaw ni Blinken sa isang press release, na ibinasura na sa ilalim ng 1982 Law of the Sea Convention ang maritime claims ng China sa naturang bahagi ng karagatan.
Ayon pa aniya sa arbitral tribunal, ang South China Sea ay parte ng exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng Pilipinas kung kaya’t dapat respetuhin ito ng China.
Samantala, ang pag-atake rin ng China sa Philippine Armed Forces, public vessels or sasakyang panghimpapawid sa South China Sea ayon kay Blinken ay nag-uudyok ng pagresponde mula sa Estados Unidos.
Alinsunod aniya ito sa US mutual defense commitments sa ilalim ng Article IV ng 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty.