Ni Vhal Divinagracia
NAIINTINDIHAN ni John Lloyd Cruz kung hindi siya nauunawaan ng lahat ng tao.
Ito ay kasunod sa mga isyung magaling umarte si John Lloyd subalit may attitude problem naman.
Wika ni John Lloyd, nakakalungkot isipin ang ganitong pangyayari lalo pa’t sarili niya ring kadugo at kaibigan ay may hindi magandang impresyon sa kanya o kaya’y hindi naiintindihan ang choices na ginagawa niya sa buhay.
Inilalabas nya na lang umano sa kabilang tenga ang lahat na hindi kanais-nais na naririnig nito.
Mariing sinabi ng aktor na gusto niyang maging wais na sa kanyang choices sa buhay at matuto mula sa mga pagkakamaling nagawa.