Ni Vic Tahud
KINOKONSIDERA na bilang low-risk ang bansang Pilipinas sa COVID-19 dahil sa pagbaba ng national case growth rate at average daily attack rate.
Ito ay ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman.
Aniya, negative ang two-week growth rate ng bansa at ang ADAR ay 5.42 o moderate risk.
Bukod pa rito, ang growth rate ng kaso ay bumaba ng -9% noong June 13 hanggang 26 mula 15% noong may 30 hanggang June 12.
Sa ngayon, nasa safe zone na rin ang national utilization rates ng hospital na nasa 46.51% at Intensive Care Unit beds na nasa 55.24%.