Ni Vic Tahud
NANAWAGAN ngayong National Heroes Day ang ilang mga health worker ng Metro Manila kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na doblehin ang kanilang sahod.
Ayon kay Robert Mendoza, pangulo ng Alliance of Health Workers, hindi pa nakatatanggap ng special benefits ang sampung mga pribadong ospital sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Mendoza, kung nadoble ni Pangulong Duterte ang sahod ng mga pulis, dapat din aniya doblehin ang sahod ng mga health worker sa gitna ng pandemya.
Kaugnay nito, ayon kay Jao Clumia, pinuno ng St. Luke’s Medical Center Employees Union, nagsasagawa sila ng isang oras na walk-out, kasunod dito ang UST Hospital ngayong alas 12 ng tanghali.
Matatandaang, nananawagan ang mga health worker na ibigay na ang kanilang special risk allowance, hazard pay, meals, accommodation, at transportation allowance.