Ni Vic Tahud
“NAKAKATAWA ang mga paratang ng Makabayan Bloc”. Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa panayam ng Laban Kasama ang Bayan.
Ani Secretary Año, dapat tingnan muna nila ang detalye kung saan ginastos ang pondo bago sila mag-akusa. “Kung titingnan lang sana nila ang mga report doon, ito ay hindi downloading o transfer, ito ay SAP allotment ng DILG central office sa aming regional office para tumugon sa mga activities na pinag-uutos ng Exec. No. 70.”
Aniya, isa na rito ang pagsasagawa ng retooled community support program ng DILG para sa mga barangay bilang convergence effort kasama ang mga ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa ni Año, ngayon lang ito nangyari sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa ilalim ng Executive Order na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Whole-of-Nation Approach para wakasan ang insurhensya at makamit ang inaasam na kapayapaan ng bansa.