Ni Karen David
UMABOT na sa mahigit 41.79 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa hanggang kahapon, Setyembre 20, 2021.
Batay ito sa ulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw.
Ayon kay Roque, 18.8 milyong Pilipino o 24.40 percent ng target population ang fully vaccinated na ngayon laban sa COVID-19.
Habang 22.9 milyon na ang nakatanggap ng kanilang first dose.