Ni Claire Robles
HINDI na matutuloy ang second conference ng Premier Volleyball League (PVL) ngayong taon.
Ito ay ayon kay PVL commissioner Tonyboy Liao kung saan nagkasundo aniya ang labing-isang PVL teams na ikansela ang planong isa pang conference ngayong taon dahil karamihan sa mga players ay nasa National Women’s Volleyball Team.
Napagkasunduan naman ng PVL teams na magkaroon ng Open Conference sa Pebrero ng susunod na taon at isa pa ulit sa Oktubre.
Matatandaan na naging matagumpay ang Open Conference Bubble noong nakaraang buwan na ginanap sa Bacarra, Ilocos Norte.