Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng magbabago kada linggo ang alert level status ng Metro Manila depende sa assessment ng gobyerno.
Ayon kay Vergeire, kapag nakakita ng positibong resulta sa ginagawang pilot implementation, puede na itong gawin sa ibang lugar sa Pilipinas sa huling bahagi ng Setyembre.
Sa kabila nito, ang pinal na rekomendasyon ay magmumula sa Inter-Agency Task Force for the emerging infectious diseases.
Samantala, hinihikayat naman ni Metropolitan Manila Development Authority ang mga residente ng NCR na magkaisa upang mapababa ang alert level 4 papuntang alert level 3 kung saan 30% seating capacity na ang papayagan sa mga dine-in at religious gathering.