Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang 3-M Sinovac vaccines mula sa China ay ipadadala sa Regions 1, 4-A, 3, 6, 7, 9 at 11.
Kasama ni Sec. Galvez na sumalubong sa mga nasabing bakuna kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ay si Department of Health Undersecretary Carolina Taiño.
Sa ngayon, umabot na sa 69,699,340 dosis ng iba’t ibang brands ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.
Samantala, aabot na sa 43,815,426 dosis ng mga bakuna ang na-administer sa buong bansa, 23,609,600 ang nakatanggap ng unang shots at 20,205,826 naman ang fully vaccinated o 26 percent sa target population na 70 million.