Ni Karen David
IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang inisyal na listahan ng 250 social media influencers para tingnan kung nagbabayad ang mga ito ng kanilang mga tax.
Ito ang kinumpirma ng Department of Finance (DOF) base na rin sa report ng BIR kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Sinabi ng DOF, inisyu na ng BIR ang Letters of Authority (LOAS) para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa ilang social media influencers na “top earners” sa kanilang field.
Ayon pa sa DOF na batay sa BIR, ang mga socmed influencer na kumikita sa pagpost sa digital media ay maituturing na self-employed individuals o may kaugnayan sa trade o business bilang sole proprietors.
Dagdag pa ng DOF na ikinokonsidera ang kanilang kita bilang business income.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 97-2021 na inisyu noong nakaraang buwan, ang mga socmed influencer ay dapat magbayad ng income tax at percentage tax o value added tax.