Ni Claire Hecita
DALAWANG medalya ang napanalunan ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ngayong linggo sa Japan.
Ito’y matapos maipanalo ang dalawa nitong laro pagkatapos ang kabiguan nito sa Tokyo Olympics.
Nasungkit ng 21-year old gymnast ang isang gold at bronze medal sa 2021 All-Japan Senior and Masters Gymnastics Championship.
Itinuring naman ni Coach Munehiro Kugimiya na isang ganti sa Tokyo ang tagumpay ni Yulo sa kompetisyon sa All Japan.
Samantala, nakatakda namang idepensa ni Yulo sa susunod na buwan ang kanyang world title sa 2021 World Artistic Gymnastics Championship na gaganapin sa Kitakyushu, Japan.