Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ni National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez na posibleng umabot na sa kabuuang isang daang milyon dosis ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas sa katapusan ng Oktubre.
Aabot naman sa 9.5 million na bakuna ang dumating ngayong linggo, ito na ang pinaka-maraming bilang ng COVID-19 vaccine na natanggap ng bansa sa loob ng isang linggo.
Sa ngayon, umabot na sa 64.9 million dosis ang natanggap na ng bansa mula sa Sinovac, Pfizer, AstraZeneca, Moderna at COVAX.
Dagdag pa ni Sec. Galvez, nakikipag-ugnayan na rin ang bansa sa Russian Direct Investment para sa Sputnik Light.