Ni Claire Robles
INIHAYAG ng Philippine Red Cross (PRC) na maayos umano ang pagkakarekord ng PRC sa mga donasyong kanilang natatanggap mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Ito ay kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ititigil ng gobyerno ang pakikipagtransaksyon dito kapag hindi nito bubuksan ang kanilang financial records para i-audit.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may kapangyarihan ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng ‘special audit’ sa PRC.
Nakasaad na rin sa ilalim ng Republic Act 10072 o ng Philippine Red Cross Act of 2009 na ang PRC ay magsusumite ng taunang report ng kanilang mga aktibidad na nagpapakita ng kanilang pinansyal na kalagayan sa Pangulo ng Pilipinas.