Ni Vhal Divinagracia
MAGKAKAROON ng 4.5% na growth forecast ngayong taon at 5.5% naman sa 2022 base sa Asian Development Outlook o ADO 2021 update.
Ayon sa ADB, hindi nagbago ang kanilang projection dahil nakalinya pa rin naman ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas sa tantya nilang ginawa sa ADO 2021 noong Abril.
Nasa recovery stage umano ang Pilipinas sa kabila ng pananatiling mahina ang ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa ADB, ang vaccination sa Metro Manila, bilang sentro ng kalakalan ng bansa ang syang makatutulong para maluwagan ang restriksyon laban sa COVID-19 na siyang magiging dahilan para tuluyan nang makagalaw ang ekonomiya ng Pilipinas.