Ni Vic Tahud
HINDI na nagtataka si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga komento ni Sen. Pacquiao dahil panahon na ng politika.
Ito ay matapos sabihin ni Sen. Pacquiao na hindi nareresolba ng gobyerno nang maayos ang mga suliranin ng bansa dahil sa COVID-19.
“Pero, ang totoo po niyan ang problema si Delta variant, 5 to 8x more infectious than ‘yung mas infectious pa na variant na Alpha variant. So, talagang dadami ‘yung kaso natin, dahil ito po dadaan ka lang, puede ka ng mahawa.”
Samantala, nilinaw din ni Roque na walang pandarambong na ginawa ang Department of Health hinggil sa pondo nito para sa COVID-19 pandemic taliwas sa akusasyon ni Pacquiao.
Sinabi ni Roque, nais lamang bigyan ng linaw ng Commission on Audit ang mga hindi nagastos na pondo ng DOH.