Ni Vhal Divinagracia
NANAWAGAN ang Philippine Society of General Internal Medicine o PSGIM, isang grupo ng mga doktor sa pamahalaan na gumawa ng isang panuntunan na makakagalaw ang tao kahit may pandemya.
Ayon sa PSGIM, hindi solusyon ang lockdown kundi isa lang itong leeway para makapag-isip ng ligtas na kapaligiran sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mas mainam na hindi kailan magpapatupad ng lockdown ang pag-uusapan, bagkus, kung paano ligtas na makapagbubukas ng ekonomiya sa kasalukuyang panahon.
Suportado naman ng PSGIM ang panawagan ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin na paliwigin pa muna ng dalawang linggo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa Metro Manila.