Ni Vic Tahud
HALOS 37,000 katao ang lumabag sa mga health protocol na pinapatupad ng gobyerno para sa unang tatlong araw ng granular lockdown alert level 4 sa Metro Manila.
Samantala sa kabuuang bilang, kalahating porsyento sa mga ito ay binigyan ng babala, 44 percent ang pinag-multa, at ang iba ay dinala sa police stations para harapin ang charges dahil sa ibang offenses.
Ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar, nagpo-focus ngayon ang ahensya sa pagpapadala ng mga pulis sa mga lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao kaysa sa magsagawa ng checkpoint operations sa mga boundary.
Dagdag pa ni Gen. Eleazar, nasa 93 areas sa 38 barangays sa 6 na syudad ang isinasailalim ngayon sa granular lockdown.