SISIMULAN na ng bansa ang pagbabakuna sa mga menor de edad oras na maabot ang 50% population protection.
Ito ang inihayag ni Secretary Carlito Galvez Jr. sa pag–welcome nito kagabi sa Welcomed the 3 million dosis ng Sinovac COVID-19 vaccines sa Ninoy Aquino International Airport.
Iminumungkahi rin ni Galvez na simulan ang pagbabakuna sa mga bata sa gitnang bahagi ng Oktubre at uunahin ang mga batang may sakit at anak ng mga healthcare workers.
Dagdag pa ni Galvez, aabot sa 12 milyong menor de edad ang maaaring mabakunahan sa pagdating ng 20 million dosis ng mga bakuna sa unang linggo ng Oktubre.