Ni Vhal Divinagracia
NANINIWALA is Surigao del Norte 2nd District Rep. at House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na walang rason kung bakit hindi gagamitin ang gamot na ivermectin para sa COVID-19 infected individuals.
Ito ay matapos inihayag ni Cong. Barbers ang pagsuporta sa paghahain ng petition for mandamus sa Korte Suprema laban sa Department of Health at Food and Drug Administration.
Layunin ng paghahain ng petisyon ay atasan ang DOH at FDA na aprubahan na ang paggamit ng ivermectin sa buong bansa.
Layunin din nito na gawaran na ang ivermectin ng Emergency Use Authorization (EUA).
Matatandaang nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nya pipigilan ang mga doktor na magreseta ng ivermectin sa kanilang COVID-19 positives.