Ni Karen David
PINABABANTAYAN nang mabuti ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) ang lahat ng close-setting at long-term care facilities sa lungsod dahil sa patuloy na napapaulat na COVID-19 outbreak.
Kabilang dito ang mga kumbento, bahay-ampunan, nursing hoes, hoes for the aged, rehabilitation centers, shelters for street children, halfway homes para sa mga biktima ng karahasan at pang-aabuso, hospices at correctional facilities.
Kaugnay dito ay inatasan din ni Belmonte ang CESU na alamin ang vaccination status ng mga indibidwal na nananatili o nagtatrabaho sa mga nasabing pasilidad at kumbinsihin ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna.
Magugunitang dalawang kumbento ang isinailalim kamakailan sa lockdown matapos magpositibo ang maraming staff at madre dito.