Ni Vhal Divinagracia
ISINUSULONG ngayon ng Department of Agriculture-Cordillera (D.A.-CAR) ang rabbit production bilang alternatibo sa karneng baboy lalo na sa kasagsagan ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Nanguna naman ang Agribusiness and Marketing Assistance Division ng D.A.- CAR sa proyektong ASPIRE o Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition ukol dito.
Isang two-day activity ang isinagawa ng ASPIRE na syang dinaluhan ng tatlumput dalawang amateur rabbit raisers mula sa iba’t ibang lugar ng Benguet.
Kasama sa topic ang backyard rabbit meat raising; rabbit production uses and benefits; rabbit diseases and control; at rabbit production return on investment.
Ayon sa D.A., ang rabbit meat ay isang magandang source ng protein kung kaya’t isang potensyal replacement ito ng poultry o pork meat.
Isa rin itong nutritious meat na may low fat at cholesterol.
Maganda rin ang benepisyo nito dahil mas mababa ang raising expenses, mabilis ang rapid growth rate, at mataas ang productivity.
Noong September 09 hanggang 10, 2021 ang paunang aktibidad ng D.A.-CAR kaugnay dito sa rabbit production.