NiĀ Claire Robles
BINIGYAN ng deadline ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Vice President Leni Robredo na magdeklara na tumakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.
Sa pahayag ni Trillanes, sakaling hindi maghahain ng Certificate of Candidacy si Robredo hanggang alas dose ng tanghali sa Oktubre a-otso, ay siya na ang tatakbo sa pagkapangulo bilang kinatawan ng aniya’y ‘tunay na oposisyon’.
Matatandaan na isa si Trillanes ay isa mga nominee sa pagka pangulo ng opposition coalition na 1Sambayan na ngayon ay nakikipag-usap na rin sa iba pang mga opposition candidate tulad nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.
Una na ring nagpahayag si Trillanes ng pagkadismaya nang parehong nagdeklara sina Moreno at Pacquiao na parehong naniniwalang mapapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.