Ni Claire Robles
NAMIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Php100,000 cash gift sa 1,130 centenarians sa buong bansa.
Ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng 2021 Elderly Filipino Week (Linggo ng Katandaang Pilipino).
Sa isang pahayag kamakailan, inulit ng DSWD ang paalala nito sa mga kamag-anak ng sentenaryo na dapat silang magsumite ng mga pangunahing dokumento tulad ng mga birth certificate at mga Philippine Passport sa City o Municipal Social Welfare Office at sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa kanilang mga lokalidad upang makamit ang mga benepisyo.
Kung wala naman sa mga dokumentong nabanggit ang available, maaari rin namang isumite ang Government Service Insurance System, at Social Security System, Driver’s License, Professional Regulations Commission License, at Commission on Elections Voter’s ID.
Ang datos na ibinigay mula Agosto 2021 ay pagsusunod sa Republic Act No. 10868 o ang Batas ng Centenarians ng 2016.
Sa ilalim ng batas, lahat ng mga Pilipino na umabot sa 100 taong gulang na naninirahan sa Pilipinas o sa ibang bansa, ay makatatanggap ng isang Letter of Felicitation mula sa Pangulo at isang cash gift.