Ni Karen David
KANSELADO ang dalawang domestic flights ngayong araw, Oktubre a-dose dahil sa masamang panahon.
Base sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights DG 6031 at 6032 na Manila patungong San Jose, Mindoro at pabalik ng Cebgo.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.
Samantala, papalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm Maring.
Sa 11am Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 315 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 125 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Portion ng Bataan, Northern Portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.